Ayon sa aking mga natutunan sa elementarya, marami ang mga pamanang binilin ng mga Asyano at masasabi kong mapa-hanggang ngayon ay nabubuhay pa ito. Gaya na lamang ng pag-arararo, kung wala ang mga nag-aararo ay walang bigas. Kung walang bigas, walang kanin at wala tayong makakakain. Dapat tayong magpasalamat sa kanila sapagkat malaking tulong ang na-ambag nila sa atin.
Isa rin ay ang paggawa ng palayok. Malaki ang naitutulong ng palayok sapagkat marami itong gamit gaya ng lamang ng sa pagluluto, lalagyan ng tubig, lalagyan ng halaman at iba pa.
Ang gulong din ay isa sa mga ambag nila. Maraming nagagawa ang gulong sa ating buhay. Kung walang gulong, hindi aandar ang mga sasakyan natin.
Ang pagkakaroon ng irigasyon din ay isang malaking tulong sa atin ngayon. Ito'y tumutulong sa pagpapalago ng mga pananim, pagpigil sa konsolidasyon ng lupa at pagprotekta laban sa mga frost.
Sa totoo lang, sobrang daming pamana ang hinabilin nila sa atin. At kung isa-isahin natin ay aabutin siguro tayo ng bukas sa pagtatala. Kaya ang mga binigay ko sa itaas ay mga kaunting halimbawa lamang ng mga pamana nila. Bilang isang estudyanteng nasa bagong henerasyon ay sa tingin ko ay naka-depende sa atin kung papaano natin pahalagahan ang mga pamanang hinabilin ng mga sinaunang ninuno natin, kung papaano natin gamitin ng maayos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento